Sunday, July 8, 2012

ikaw pa rin...

marami nang nangyari...
lumipas ang maraming taon...
pero bakit hanggang ngayon?
ikaw pa rin...
di lubusang maisip...
na sa paglisan mo ako'y di matahimik...
sa aking pagninilay at panaginip...
ikaw pa rin...
akala ko malilimutan kita...
pinilit ibaling ang pagtingin sa iba...
subalit pilit bumabalik...
ikaw pa rin...
kung sakaling ikaw ay makita...
marami man sa akin ay nag-iba...
subalit ang patuloy pa ring sinisinta...
ikaw pa rin...
marahil walang makahihigit...
sa damdamin kong nagpupumilit...
kahit ano pa man ang kapalit...
ikaw pa rin...
ang aking pipiliin.

*mc*


No comments:

CHATBOX